Friday, November 20, 2009

Pumila ng Maayos

Nung mga bata pa tayo kapag may mga flag ceremony lagi tayong pinapapila ng ating mga guro ng maayos para maganda daw tignan. Kapag hindi maayos ang pila ang sasabihin ng guro natin, "Ayusin nyo yung pila", "Ideretso ang pila", minsan pa nga "Arms forward, raise" para daw maidercho yung pila natin.

Itinuro siguro satin ito nung bata pa tayo para matuto tayong pumila ng maayos sa mga tamang pilahan pagtanda natin. Sa panahon ngayon mukhang hindi talaga tayo natuto sa itinuro sa atin ng ating mga guro.

Gaya na lamang ng pilang ito sa hintayan ng bus sa Bonifacio Global City. Nagulat talaga ako ng makita ko ang pila na to. Sabi ko nga, teka, saan ba talaga ang pila?!?!

Sa tingin nyo saan kaya talaga papunta ang pila na to? May pahalang, may paderetso na pila. Saan kaya ang ang dulo at saan ang umpisa?

Hindi ba't kay ganda kung kagaya pa rin nung mga bata tayo? Yung mga pila na pinapagawa sa atin ng mga guro natin.




Ngayon ko lang din talaga nakita ang kahalagahan talaga yung mga itinuro sa atin dati nung mga bata pa tayo. Hindi ba't ang ayos tignan at gandang tignan? Sana matutunan natin ito uli kahit na medyo matatanda na tayo.






Saturday, November 7, 2009

Kapatid: Chapter 3

Hindi ko alam kung matutuwa kayo pero, andito na ang ikatlong yugto ng "Kapatid".

Gaya ng pangyayari sa ikalawang yugto, dumating na muli ang isang espesyal na panauhin ng aming komunidad. Gaya din sa ikalawang yugto, ang paghahanda namin ay umabot muli sa dalawang linggo lamang.

Maraming preparasyon muli ang naganap hanggang sa dumating ang espesyal na panauhin. Pinilit tapusin ang mga papeles na gagamitin sa mga pagpupulong na magaganap. Ang isa mga mga miyembro namin ay hindi nakapasok kaagad matapos ang isang mahabang bakasyon dahil sa masamang karamdaman. Dahil sa kagustuhang matapos ang mga gawain ay, pinilit nyang pumasok sa sumunod na araw. Kahit nanghihina ang buong katawan at hindi pa rin gumaganda ang pakiramdam ay pinilit nyang pumasok sa sumunod na araw.

Nagpulong ang aming grupo upang tulungan ay aming miyembro sa kanyang mga papeles dahil siya ang may pinaka-maraming pagpupulong na magaganap. Inabot kami ng gabi para tapusin ang mga papeles, ngunit hindi pa rin tapos. Dahil sa madilim na ay kinakailangan na naming kumain ng hapunan. May mga kasamahan pa kaming nagsasabi na kailangan ng kumain ng aming miyembro na nanghihina upang siya ay maka-inum ng kanyang gamot. Nagbigay na ko aking suhestiyon na magpadala na lamang ng pagkain galing sa labas, subalit sinabi ng aming pinuno na mas matagal pa daw iyon.

Lumipas ang ilang oras, hindi pa rin natatapos ang lahat ng mga papeles. Dumaan na muli ang ibang mga kasamahan at kinukulit nang kumain ang miyembro namin para makainum ng gamot. Ang isa sa mga punong pinuno din ay nagbigay na rin ng mungkahi na magpahinga ng maige ang lahat. Matapos ang lahat, ang nasabi lamang ng aming pinuno "Bakit alam ba ng kasamahang iyan na may darating tayong espesyal na bisita?".

Ang pagpupumilit ng pinuno ay walang katulad, na walang pagpapahalaga sa kanyang mga miyembro.

Umabot na ang araw ng pagdating ng espesyal na panauhin, nagsimula na ang mga pagpupulong, subalit nabalitaan na lamang namin na naitakbo sa ospital ang isa mga miyembro. Dala ng sobrang pagod ay hindi na kinaya ng katawan. Pinaalam sa Pinuno, ang naging tugon lamang nya ay "ok, noted".

Dumaan muli ang isa pang araw ng mga pagpupulong at kulang pa ang mga papeles. Pinilit tapusin ng miyembro ang mga papeles kahit na dapat na siyang nagpapahinga. Ang mga salitang binibitiwan ng pinuno ay puros masasamang salita sa miyembro, ganu ba kalala ang sakit at hindi nakapasok, wag daw siyang gagalitin. Pero kapag kaharap na niya ang espesyal na panauhin ay parang maamong tupa at panay ang pag-aalala sa kanyang miyemro.

Natapos ang lahat ng pagpupulong at hindi nakasama ang miyembro. Sa susunog na linggo ay magkakaroon pa sila ng pageensayo at pag-aaral na kasama pa rin ang espesyal na panauhin at ang pinuno. Hindi alam kung makakasama ang miyembro, dahil kinakailangan niya talagang makapagpahinga.

Matagal nang binalaan ang bawat miyembro sa asal na dinudulot ng pinuno nila. Subalit ngayon pa lamang nila talaga nalalaman ang totoong kahulugan ng mga babalang iyon. Hindi mo mawari kung anung pag-iisip nga ba meron ang pinunong iyon. Isang bagay lamang ang mahalaga sa kanya, ito ay ang sarili niyang dangal (kung meron man siya nito). Itinuring pa naman siyang kaibigan ng mga miyembro at pinakisamahan ng matiwasay, subalit ang isusukli pa rin niya ay malamig niyang pag-uugali.

Hanggang saan nga ba pagtitiis ng mga miyembrong ito bago magkaron ng lakas ng loob upang labanan ang pang-aapi sa kanila. Kelan nga ba magbabago ang pinunong ito, o may pagbabago nga bang magaganap?

Saturday, October 31, 2009

Kumain, Mabusog at Makapag-paaral

Hindi ba't napaka-sarap kumain? Alam naman natin na ang pag-kain ang isa sa pinaka-paboritong libangan nating mga Pilipino. Minsan pa nga ay gumagastos tayo ng malaki para lang matikman ang masasarap na luto sa ating mga paboritong restaurant.Ngayon, may paraan na upang mabusog ka habang nakakatulong sa iba.

Kasama ng isang organisasyon na layong tumulong sa mga bata upang mabigyan sila ng sapat na edukasyon. Inilunsad nila ang isang programa kasama ang ilang mga piling restaurant sa Bonifacio Global City upang makakain kayo ng masasarap na pag-kain habang nagpapaaral ng bata.

Ang pangalan ng programang ito ay: "8 to Educate"

Ang programang ito ng Virlanie (non-profit organization) ay naglalayong makapagbigay ng kaalaman katuwang ang walong (8) restaurants sa Serendra at Bonifacio High Street na i-promote at suportahan ang edukasyon para sa mga kapos na kabataan.

Ang kampanyang ito ay Mula 26 ng Oktubre hanggang ika-31 ng Disyembre taong 2009.

Ang walong (8) restaurant ay may walo (8) ding tampok na putahe na kapag pinili nyong kainin, ang bahagi ng kikitain nila sa putaheng iyon ay mapupunta sa edukasyon ng mga batang ito.

  • Arama - Set Meal
  • Cav - Valhrona Chocolate Souffle Cake
  • Chelsea - Mac & Cheese Kiddie
  • Cupcakes by Sonja
  • Fu - Dimsum Platter
  • Healthy Kitchen - Monsignor James Salad
  • Sentro 1771 - Fried Chicken Cutlets, Catfish Adobo Flakes
  • Xocolat - Organic Cacao drink & can
At noong ika-29 ng Oktubre ay naging mapalad kaming makasama sa pormal na pagsisimula ng programang ito.

Una ay naghapunan kami sa Sentro 1771 at natikman namin ang masarap nilang putahe doon.

Ang aming appetizer: Sosyal na Kropek (sariling tawag ko). Bakit? Dahil sa makabagong paraan ng pagkain nito. Ito ay Kropek na may tinadtad na hipon, sibuyas, at iba pang mga gulay na sinaham pa ng masarap na salad dressing sauce.

Ang isa pa sa mga appetizer na natikman namin ay Lumpiang Tinapa (sariling tawag lang din). Ito ay prinisinta na parang isang lumpia na naglalaman ng isdang parang tinapa ang lasa, itlog na maalat, kamatis at iba pang mga gulay.



Ang pangunahing putahe para sa gabing iyon ay ang mga sumusunod:

Sinigang na Corned Beef. Masasabi kong isa to sa pinaka-masarap na sinigang na natikman ko, sabaw pa lang para ka ng nasa langit.

Fried Fish with Garlic & Olive Oil (I think)

Stir Fried Noodles

Fish with Lemon Juice (ata)

Krispy Pata (sarap ng suka nila)


Matapos ang aming hapunan at umikot kami sa apat (4) pang mga restaurants upang makita ito at matikman din ang kanilang mga handog na putahe.

Salad mula sa Healthy Kitchen




Dimsum Platter ng Fu





ArAma


Salad with Probiotics
(grabe ngayon lang ako nakakita ng ganung dressing ah, may yakult? lolz)



Burger Sanwich (hindi totoong pangalan)


Tinapos namin ang gabi sa Cav upang tumikin ng panghimagas at uminum ng wine.

Dahil hindi ako pamilyar sa mga wine, lalo na yung mga mamahalin. Ang tawag daw sa wine na ito ah Cup-C (yun kasi pagkakarinig namin eh.. lolz)
Galing daw sa South Africa ang wine na ito. Manamisnamis at hindi gaanong dry.

Isa sa mga tampok na putahe sa programa: Valhrona Chocolate Souffle Cake
(dahil sa mukhang mamahalin, nahirapan akong kainin dahil hindi ko siya alam kung panu kainin)
Masarap yung cake, hindi gaanong matamis. Yung parang korona nya ay parang toasted crepe. Yung nasa tabi nya at strawberry at pasas.



Kapag tayo ay nagawi sa bandang Serendra at Bonifacio High Street at nakaramdam tayo ng gutom, ating bisitahin ang mga restaurants na ito at subukang ang kanilang masasarap na putahe.

Friday, October 23, 2009

Security Tip for your House

Just got this e-mail from a friend and sharing with some of my readers... hehehe...


What to take to bed with you - not a joke
Pretty neat idea. Never thought of it before.














Put your car keys beside your bed at night


Tell your spouse, your children, your neighbors, your parents, your Dr's office, the check-out girl at the market, everyone you run across. Put your car keys beside your bed at night.

If you hear a noise outside your home or someone trying to get in your house, just press the panic button for your car. The alarm will be set off, and the horn will continue to sound until either you turn it off or the car battery dies.


This tip came from a neighborhood watch coordinator. Next time you come home for the night and you start to put your keys away, think of this:

It's a security alarm system that you probably already have and requires no installation. Test it.

It will go off from most everywhere inside your house and will keep honking until your battery runs down or until you reset it with the button on the key fob chain.

It works if you park in your driveway or garage. If your car alarm goes off when someone is trying to break into your house, odds are the burglar/rapist won't stick around.


After a few seconds all the neighbors will be looking out their windows to see who is out there and sure enough the criminal won't want that.


And remember to carry your keys while walking to your car in a parking lot. The alarm can work the same way there. This is something that should really be shared with everyone. Maybe it could save a life or a sexual abuse crime.


P.S. I am sending this to everyone I know because I think it is fantastic.
Would also be useful for any emergency, such as a heart attack, where you can't reach a phone. My Mom has suggested to my Dad that he carry his car keys with him in case he falls outside and she doesn't hear him. He can activate the car alarm and then she'll know there's a problem.


Please pass this on even IF you've read it before.. It's a reminder.

Wednesday, October 14, 2009

CHIZ CONSIDERS CLASS ACTION SUIT AGAINST DAM OPERATORS

After what happened during the floodings in Metro Manila during Typhoon Ondoy, I heard so many news on what is the possible cause of these terrible floodings. I also talked to some of my friends who were affected and got some evidence on my theory on why did these happened.

I am not really sure if I am right, but as a concerned citizen I tried to to check on the possibility to bring my concern to some of my trusted public officials. I sent e-mails to several of them, but only one of them replied to my e-mail with a solid solution and action. I don't know if the other officials read my e-mail, or if they did not pay any attention, or if they are doing their actions in silence.

Here is the reply of Senator Chiz Escudero and his staff:

***************************************************************************************************************************************

Dear Alexis de Guzman

thank you for your email regarding Ondoy and the flooding dure to the release of water from dams.

may we furnish you a copy of the stand of Senator Escudero on the matter

OFFICE OF SENATOR CHIZ ESCUDERO

PRESS RELEASE

Date: 12 October 2009


Refer to: Judee Aguilar/5526601 loc.6540/09178294010

Website: http://www.chizinthenews.com

CHIZ CONSIDERS CLASS ACTION SUIT

AGAINST DAM OPERATORS

Opposition Sen. Chiz Escudero is mulling on filing a class action suit against private operators of dams across Luzon for failing to adequately warn residents about releasing massive volumes of water, killing hundreds of people and damaging property because of the devastating floods.

He said that under the law, operators are legally liable for any negligence on their part. He said that if dam operators can be sued for deaths or injuries incurred by their disregard for safety. “In extreme cases, they can even be criminally liable. Any complainant may also add reckless imprudence to the class action suit,” he said.

Escudero pointed out the private operator of San Roque dam, two days before Pepeng made landfall in the province, was telling the public that they can absorb all the rain the typhoon can bring.

The maximum capacity of the dikes in the area was 4,000 cubic meters per second only. At the height of the typhoon, 5,361 cubic meters per second or about 5.361 million liters of water were released into towns and villages. This is equivalent to 380 million liters of water per minute or 19 billion liters of water per hour.

“In the span of 10 hours, 190 billion liters of water were released by the San Roque dam. This is the exact reason why the dikes along Agno River gave way and overflowed. What is ironic and more annoying about this is the head of the Agno River flood control project was also begging to be rescued after being trapped in the roof of his office,” he said.

He said that dam officials should have foreseen the large volumes of rain of Pepeng and opened its flood gates way before the water reached the maximum level. The senator explained that the reservoir of the dam was at 290 meters above sea level (masl).

“The only time San Roque released its waters was at its critical point of 288 (masl). If only they started releasing water at 230 (masl) the floods could have been avoided or at least controlled. It also begs the question, what is the standard operating procedure of releasing waters by dams?” he said.

Aside from San Roque, Escudero also wants to review the procedures of Binga, Pantabangan, and Angat dams. “Although I admit that no one wanted the tragedy to happen, dam officials appear to have lacked in preparation and knowledge in dealing with typhoons,” he said.

He said that that the dam operators were given sovereign guarantee by the government which enabled them to build, lend, and sell the electricity produced through hydro-electricity. He said that developers and local government units could also face fines or be sued in court for allowing housing projects along the river beds. “Who allowed the construction of these houses?” he asked.

Escudero made all these assessments following his visit to Pangasinan on Sunday. He visited the towns of Rosales, San Nicolas, Tayug, Asingan, and Villasis.

He said that in San Nicolas, 18 barangays were cut off from main thoroughfares after a bridge collapsed. He added that even the municipal offices of Asingan and Villasis were flooded.

“There is P1 billion allocated for the alarm system of the dams. I want to see why only P300 million was spent and why the money released for the system was not used for its operation and maintenance,” he said.




--
On behalf of Senator Chiz Escudero
Rolando P. Tan
Chief of Staff

Sunday, October 11, 2009

Hatred

Pagpasensyahan nyo na, dahil sa wala akong maipost na bago ay ibabahagi ko lang ang isa sa mga luma kong tula... Ito ay kung matatawag nyo ngang tula...



I hate those who hate me
I hate those who brings fear in me
I hate those who doesn't understand me
I just hate all of them

Am I just tired or living?
Or am I just tired of believing?
Am I just tired of failing?
Or am I just tired of being a fool?

I'm sick of all this tension
I'm sick of all the hard times
I'm sick of the things around me
And I'm sick of everything else

I've got so much things in mind
That I couldn't even sleep at night
Or even breathe normally just once
As everything becomes a death toll for me

I hate to wait and sit around
I hate that I am still here
I hate to think that I'm still alive
Or do I just hate myself.






Wednesday, August 5, 2009

Road Rage is Good Rage

Mukhang mapapaaga ang pag-update ko ng blog ko ngayon ah..

Ang motor ay isang napakagandang paraan ng transportasyon dahil sa itoy maliit lang at madali kang makakapunta sa lugar na gusto mong puntahan dahil kaya mong lumusot sa trapiko ng madali. Kapag gamit mo ito ay sarap sa pakiramdam dahil ramdam na ramdam mo ang simoy ng hangin (wag nga lang yung polusyon). May mga mabibilis din na mga motor na kalamitang ginagamit sa karera at meron din sa bundok.

Itong sasakyan na ito ay naging popular sa ating bansa lalo na ngayon krisis at sa pagmamahal ng gasolina. Lubhang popular din ang sasakyan na ito lalo na sa mga mahihirap na bansa gaya ng india, thailand at sa iba pang mga bansa.

Dahil sa kakulangan na rin sa tamang edukasyon sa paggamit nito at sa batas trapiko ay maraming mga driver ng mga motor na ito ang nadidisgrasya. Kalimitan sa mga motor na ito ay sangkot din sa maraming aksidente sa daan.

Sa araw-araw na nakikita ko sa balita at sa kalsada madalas kong makita ang mga driver ng mga motor na ito na basta-basta na lamang inuunahan ang mga sasakyan sa harapan nila, aabenta kahit na pula ang "traffic light", may mga sumisingit sa trapiko, gumigitna sa daan kahit na ang liit lang nila at ang bagal ng takbo nila at napakarami pang iba. Simula nang masaksihan ko ang mga bagay na ito ay unti-unti kong kinaiinisan ang mga ganitong klase ng driver dahil nagiging sagabal sila sa ibang mga motorista sa daan. Sapat nang mainis ka sa mga balahurang jeep at mga tarantadong mga bus driver ay dadagdag pa ang mga ito sa listahan mo ng mga kinaiinisan.

Isang gabi habang kasama ko ang aking mga kaibigan upang magtungo sa Music 21 sa may Jupiter St. sa may Makati ay nasangkot ang aking sasakyan sa isang aksidente sa isang motor. Galing akong Makati Ave. upang lumiko papuntang Jupiter subalit bawal ang kumaliwa ay naisipan kong kumanan patungong Paseo de Roxas at dahil na rin sa bawal ang mag U-Turn doon ay medyo umaabante pa ko ng bahagya upang mag U-Turn. Nang makita kong maluwang na ang aking likuran at nakaabante na ko ng konti paliko habang sinisilip ang mga kasalubong, ako ay umabante na upang mag U-Turn nang biglang sumalpok ang isang motor sa kaliwang bahagi ng harapan ng aking sasakyan. Sa lakas ng pagkabangga niya sa akin ay tumilapon ang driver mga limang talampakan papalayo sa bandang unahan. Ako naman ay dali-daling bumaba upang tignan ang driver ng motor. Akala ko ay nawalan na siya ng malay dahil mga sampung segundo rin siyang hindi dumidilat hanggang sa mahimasmasan na siya.

Nagdatingan na ang mga MAPSA (traffic pulis ng Makati), tinignan ang nangyari at tumawag ng ambulansya. Nang dumating na sila ay noon ko lang napansin na natanggal pala ang "signal light" sa kaliwa ng aking sasakyan. Kinuha ang mga lisensya namin ng mga taga MAPSA. Kung titignan daw ay ako ang nasa mali dahil bawal daw mag U-Turn doon pero dahil ang lisensya pala ng driver ng motor (itago na lang natin sa pangalang Jason) ay "Student Permit" siya ang magiging liable daw sa nangyaring aksidente.

Kami ay sinahan ng isa sa taga MAPSA sa Headquarters ng mga pulis at dinala naman sa ospital si Jason (driver ng motor). Nagbigay na ko ng aking kasulatang pahayag sa nangyari (habang gumawa ng kopya ang pulis ng aking lisensya at siningil pa ako ng Php 5.00, akalain mo nga naman ang mahal ng singil nya ah, dapat nga libre na yun ah). Dahil nasa ospital pa si Jason ay pinayuhan kami ng pulis kung gusto daw naming puntahan si Jason upang doon muna makipag-usap.

Nang dumating na kami sa Ospital ng Makati kung saan siya dinala ay hindi namin siya dinatnan dahil nasa X-Ray room pa daw siya. Nang dumating na siya ay kinamusta namin siya kung anung lagay niya, buti na lang at walang malubhang nangyari sa kanya. Lumabas ang resulta ng X-Ray ay mukha namang walang injury at susuriin na lang daw siya maya-maya, bibigyan ng gamot sa Tetanus at pain reliever. Inabot kami ng apat na oras sa ospital bago siya pinayagang makalabas ng doktor. Panay ang tingin namin kay Jason na para bang kami ang mga kasamahan niya kumpara sa mga kasamahan niyang nandoon. Kinausap ko na rin siya sa nangyari, mabait at maayos naman siyang kausap pero ang iginigiit nya ay ako ang may pagkukulang, sabi ko pag-usapan nating lahat sa prisinto paglabas mo. Nakalabas na siya at umabot sa Php 1,600 ang kanyang nagastos.

Sa prisinto ay nagbigay na rin siya ng kanyang kasulatang salaysay at kami ay pinag-usap ng pulis. Pilit pa rin niyang ginigiit na kasalanan ko, at dahil sa ayaw na rin namin parehas na huba pa ang lahat ay nagkasundo na lang kami na wag nang paratingin sa korte dahil maliit na bagay lamang ito. Dahil sa tingin naming hindi naman niya kayang bayaran ang nangyari at dahil sa naawa ako sa kalagayan niya dahil na-ospital pa siya ay sinabihan ko na lang siya na papatingin ko kung magkano ang aabutin at ipaalam ko sa kanya kung magkano ang lahat at sagutin na lang niya kung hanggang saan ang kaya niya.

Sana lang ay hindi ako takasan dahil ayon sa pulis pwede pa rin daw magsampa ng demanda ang isa sa amin, pero hindi ko na gagawin yun dahil laking abala pa.

Sa totoo lang ay mahilig din naman ako sa mga motor, pero ang gusto ko ay yung Big Bike (Honda CBR 700), kung kayat nakakainis lang na may mga iresponsableng driver talaga.

Gusto ko nga pa lang magpasalamat kay Meeko, Greenpinoy at Pampoy (wala siyang choice eh) na dinamayan ako sa buong pangyayaring iyon.

Ang "Road Rage is Good Rage" nga pala ay galing kay Greenpinoy kaya hihiramin ko muna ang kanyang nakakatuwang linya dahil siya mismo ay inis din sa mga driver ng mga motor at yan daw best na feeling sa lahat kapag nakikita niya ang mga yun at mga pasaway na driver. Ang sarap din tuloy isipin ang katagang "Road Kill" ni Ayzprincess sa mga ganitong sitwasyon.

Gaya nga ng sabi ni John Lloyd Cruz sa commercial nya "Ingat" na lang tayo sa kalsada lalo na sa mga may sasakyan diyan.